Genesis 26:24
Ang Biblia (1978)
24 At napakita sa kaniya ang Panginoon ng gabi ring yaon, at nagsabi, (A)Ako ang Dios ni Abraham na iyong ama: (B)huwag kang matakot, sapagka't (C)ako'y sumasaiyo, at ikaw ay aking pagpapalain, at aking pararamihin ang iyong binhi, alangalang kay Abraham na aking lingkod.
Read full chapter
Daniel 10:12
Ang Biblia (1978)
12 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, (A)Huwag kang matakot, Daniel; sapagka't mula nang unang araw na iyong ilagak ang iyong puso na makaunawa, at magpakababa sa harap ng iyong Dios, ang iyong mga salita ay (B)dininig: at ako'y naparito alangalang sa iyong mga salita.
Read full chapter
Lucas 1:13
Ang Biblia (1978)
13 Datapuwa't sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Zacarias: sapagka't dininig ang daing mo, at ang asawa mong si Elisabet ay manganganak sa iyo ng isang anak na lalake, at (A)tatawagin mong Juan ang kaniyang pangalan.
Read full chapter
Lucas 1:30
Ang Biblia (1978)
30 At sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Maria: sapagka't nakasumpong ka ng biyaya sa Dios.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978