Isaias 58:1
Ang Biblia (1978)
Ang mali at ang matuwid na pagtupad ng pagpapakasakit.
58 (A)Humiyaw ka ng malakas, huwag kang magpigil, ilakas mo ang iyong tinig na parang pakakak, at iyong ipahayag sa aking bayan ang kanilang pagsalangsang, at sa sangbahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan.
Read full chapter
Mateo 3:3
Ang Biblia (1978)
3 Sapagka't ito yaong sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi,
Ang (A)tinig ng isang sumisigaw sa ilang,
Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon,
Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.
Marcos 1:3
Ang Biblia (1978)
3 (A)Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang,
Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon,
Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas;
Lucas 3:4
Ang Biblia (1978)
4 Gaya ng nasusulat sa aklat ng salita ng propeta Isaias,
(A)Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang,
Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon,
Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.
Juan 1:23
Ang Biblia (1978)
23 Sinabi niya, (A)Ako ang tinig ng isang humihiyaw sa ilang, Tuwirin ninyo ang daan ng Panginoon, gaya ng sinabi ng propeta Isaias.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978