Levitico 19:35-36
Ang Biblia (1978)
35 Huwag kayong gagawa ng kalikuan sa paghatol, sa pagsukat, sa pagtimbang, o sa pagtakal.
36 (A)Timbangang matuwid, panimbang na matuwid, epa[a] na matuwid at hin[b] na matuwid ang aariin ninyo: ako ang Panginoon ninyong Dios na naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto.
Read full chapterFootnotes
- Levitico 19:36 Ang isang epa ay katimbang ng 30 litro.
- Levitico 19:36 Ang isang hin ay katimbang ng 6 na litro.
Deuteronomio 25:13
Ang Biblia (1978)
13 (A)Huwag kang magkakaroon sa iyong supot ng iba't ibang panimbang, ng isang malaki at ng isang maliit.
Read full chapter
Deuteronomio 25:15
Ang Biblia (1978)
15 Isang tunay at tapat na panimbang magkakaroon ka; isang tunay at tapat na takalan magkakaroon ka: (A)upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.
Read full chapter
Mga Kawikaan 16:11
Ang Biblia (1978)
11 (A)Ang ganap na timbangan at panimbang ay sa Panginoon:
Lahat ng timbang na supot ay kaniyang gawa.
Mga Kawikaan 20:10
Ang Biblia (1978)
10 Mga iba't ibang panimbang, at mga iba't ibang takalan,
Kapuwa mga karumaldumal sa Panginoon.
Mga Kawikaan 20:23
Ang Biblia (1978)
23 Mga iba't ibang panimbang ay (A)karumaldumal sa Panginoon;
At ang sinungaling na timbangan ay hindi mabuti.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978